LTO - Central Office East Ave. Quezon City
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Show Cause Order
Naglabas ng
Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office sa rehistradong rmay-ari at driver ng Mitsubishi Strada kaugnay ng insidenteng nai-post sa Facebook kung saan ito ay naghahamon sa isang motorista na diumano ay naka-ebike at may angkas pang bata sa loob ng CCP Complex. Ito ay maituturing na road rage dahil sa kanyang inasal at hindi magandang salita na binitawan. Sa unang pagsisiyasat, natuklasan na ang nasabing sasakyan ay huling nairehistro noong 28 Setyembre 2022 pa kaya ito’y nangangahulugan na ang sangkot na sasakyan ay hindi rehistrado nang mangyari ang insidente.
Batay sa SCO, ang rehistradong may-ari at driver nito ay kailangan humarap sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division at magsumite ng sinumpaang salaysay. Kailangan nilang magpahayag ng kanilang panig hinggil sa mga akusasyong: pagmamaneho ng isang Unregistered Motor Vehicle, Improper Person to Operate a Motor Vehicle at iba pang posibleng paglabag na maaaring matuklasan habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Samantala, ang sangkot na sasakyan ay inilalagay sa alarm status habang ang lisensya naman ng driver ay suspendido ng siyamnapung (90) araw habang isinasagawa ang imbestigasyon ng LTO. Kung hindi makakapunta o hindi magpapadala ng paliwanag sa takdang petsa, ituturing itong pagtanggi na harapin ang kaso at mawawala ang kanilang karapatan na ipaglaban ang kanilang panig sa imbestigasyon. Bukod pa rito, binibigyan sila ng pagkakataong humingi ng tulong mula sa isang abogado habang isinasagawa ang proseso.
Ipinapahayag ni LTO Chief, Asstant Secretary Markus V. Lacanilao sa publiko na ang pagpapatupad ng mga batas trapiko ay determinasyon ng LTO na panagutin ang sinumang lumalabag sa mga ito para mapanatili ang kaligtasan sa lahat ng kalsada sa ating bansa.
#LTO #LTOPH #LTOPhilippines #DOTrLTO #BagongPilipinas #BagongLTOsaBagongPilipinas #LTOZeroCorruption #TotoongSerbisyoWagNegosyo #NoSettlementPolicy
Recent Posts




