LTO - Central Office East Ave. Quezon City
ireport mo kay LTO chief
Your Voice, Our Action.
Show Cause Order (CSO)
Search for Show Cause Order Issued

March 17, 2026
Isang netizen mula sa The VISOR Community ang nag-ulat ng isang event na naganap noong nakaraang Linggo sa BGC , ito ay ang “Sports Car for a Cause". Ayon sa ulat, tatlong sasakyan na hindi naman opisyal ng gobyerno o emergency vehicle ang nagmamaneho ng walang ingat, at gumagamit pa ng blinkers at sirena—mga aksyong labag sa batas trapiko dahil hindi sila sakop sa mga authorized exceptions. Ito rin ay nagdudulot ng panganib sa ibang mga motorista at mga pedestrian sa isang busy na lugar tulad ng BGC. Bilang tugon sa ulat na ito, ang Land Transportation Office (LTO) ay naglabas ng Show Cause Orders sa mga kasangkot na drivers at rehistradong may-ari ng mga sasakyan. Ayon sa SCO. ang mga sangkot ay inaatasan na humarap sa pagdinig ng LTO at magsunite ng sinumpaang salaysay at ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan sa paglabag sa batas trapiko tulad ng reckless driving, signals on starting, stopping ot turning, disregarding traffic signs, unauthorized/unlawful use of blinkers at improper person to operate a motor vehicle. Habang patuloy ang imbestigasyon, ang mga sasakyan ay inilagay sa alarm status at ang lisensya ng mga driver ay pansamantalang sinuspinde sa loob ng siyamnapung araw. Kung hindi sila makakapunta o hindi makakapagbigay nito, ang desisyon ay ibabatay sa mga ebidensyang hawak ng ahensya Sila rin ay maaaring humingi ng tulong sa abogado habang nagpapatupad ng mga prosesong ito. #LTO #LTOPH #LTOPhilippines #DOTrLTO #BagongPilipinas #BagongLTOsaBagongPilipinas #LTOZeroCorruption #TotoongSerbisyoWagNegosyo #NoSettlementPolicy


